Simpleng Pagtatanim!

Matuto mula kay Mer Layson, Ang Magsasakang Reporter

Paano sinigurado ng mga ninuno natin na palagi silang may pagkain? Hindi sila naghanap ng trabaho, nag-ipon ng pera, o nag-imbak ng mga de lata. Nagtanim sila.

Marami sa atin ang hindi marunong mag-alaga ng mga tanim, kaya gusto kong ipakilala sa inyo si Mer Layson, ang Magsasakang Reporter. May sakahan siya sa probinsya, pero may indoor farm din siya sa bahay niya sa Metro Manila. Nagtuturo siya ng pagtatanim gamit ang mga self-watering planter na gawa sa plastic bottles. Organic farming ang tinuturo niya, kaya siguradong healthy ito para sa pamilya.

Libreng matuto! Panoorin mo lang siya sa YouTube. Pumili din ako ng ibang mga video niya na makakatulong sa mga nag-uumpisa pa lang.

Happy farming!

Ang kanyang urban farm

Paano gumawa ng self-watering planter

Magtanim ng kamote

Magtanim ng lettuce